Gusto ko magsulat in taglish. Wala lang. Gusto ko kasi mag blog pero ayaw ko mag english. Hehehe :P
Okay so some realizations ulit.
1. Sa tingin ko, may sakit ako sa utak. Or more like sira sa ulo. Haha. I feel so fat. As in obese fat. Though tumaba naman nga ko, given na. Pero hearing people say it over and over again is taking its toll on me. Kaya lang, di ko naman maisip or ma-classify ang sarili ko na anorexic or bulimic or whatever. Kasi kahit na palagi ko naiisip na tumataba ako sa bawat kagat na nilulunok ko, deadma lang. Tuloy lang sa pagkain. Tapos pagkatapos non maiyak iyak ako sa feeling na sheeeet ang taba taba koooooooooooooo!!!
2. Sa tingin ko, tatagal ako sa work ko ngayon. For the first time in my entire 5 years of working, ngayon lang ako nagkakaron ng sense of fulfillment kahit papano. Parang tama lang itong mga work na binibigay sakin. Di naman ako super busy pero andami ko ginagawa! Walang masyadong idle time, not even for facebook. And talagang nasstretch ko ang aking intellect. Siguro dagdag rin na parang intertwined ang lessons namin sa school and yung pressing issues sa office. Tapos mas dagdag pa yung sabi ng officemate ko, na nagagalingan daw sakin ang boss ko and gustung gusto na ako ipromote, kaya lang di pa pwede gawa wala pa ko 6 months. So in short, f na f ko.
3. Sa tingin ko, di talaga maiiwasan sa isang tao ang magyabang. In our own little ways, aminin mo man o hindi, nakapagyabang na tayo. Totoo yan! Ako man e. Yung tipong sinasabi pa how perfect they are in an "ako-nga-ang-jahe-dito" way. And talagang no matter how high na ang level ng friendship mo with a person, may certain threshold ka lang talaga. At narereach mo yon. At talagang mapapasabi ka sa isip mo: t*ngina ang yabang nito. feeling. o sya sige ikaw na ikaw na.
4. Sa tingin ko, ang laki na ng inimprove ko when it comes to THAT. Yung mga close friends ko would know what I'm talking about. See I had this stage of confusion in my life. And sabi ko nga dun sa isa kong post, nalagpasan ko na sya. And ngayon napatunayan ko na sa sarili ko na THAT is not worth all the trouble. Little by little, natutunan ko na ang art of isnab towards THAT. Di ko lang alam ang talagang pakay nya sakin. Medyo vague sya. Pabugso bugso. Pero I am hoping na tumahimik na once and for all. Without burning bridges preferably. I mean, sino ba may gusto ng kaaway diba.
5. Sa tingin ko, deads na deads na ako sa aking boypren. Hahahahaha. Well not naman that level yet na kadiri obsessive. Pero talagang I appreciate him now more than ever. I appreciate mga ginagawa nya, mga sinasabi nya and how he's not like the other guys. Di nga siguro perfect in terms of the norms ng society, pero in my heart he is. I've blabbed about this a million times, but I guess words are not enough to let people understand how awesome he is in his own ways. And in my own standards. After all, yun naman ang importante diba? But then siguro that's what's special about being in a relationship. Having something na kayo lang nakakaintindi and kayo lang nakakaramdam, no matter how odd it may seem to other people.
Ayun lang. La dee da dee da