Monday, February 8, 2010

high blood

hi!

wala lang. matagal ko na gusto gumawa ng listahan ng aking mga pet peeves. hindi naman sa hater ako no or mainitin ang ulo, pero may mga bagay lang talaga na nakakainis. simpleng mga bagay. so kung gusto mo kong asarin, well come on over and read on!

so this is my first attempt. most (if not all) of these were gathered through my everyday adventures. expect some more to come [my invisible readers]. i think i won't elaborate na kasi they are very much self-explanatory:)

1. mga nakatagilid umupo sa jeep kahit siksikan na
2. mga nakasandal/nakayakap sa pole ng mrt kahit super tulakan na ang mga tao at wala ng ibang mahawakan
3. yung mga nagsasabing oo pero yun pala di gets ang sinabi mo. tapos after a few minutes (or minsan seconds) e tatanungin ulit sayo
4. yung mga hindi nagaabot ng bayad sa jeep kahit sila yung mas malapit sa driver
5. mga huling-huli ng nagsisinungaling pero gagawa pa rin ng lame attempt para lumusot
6. mga jeje. nuff said
7. halos related to #6, pero yung mga tao na nag tetext speak kahit pc/laptop keyboard na ang gamit. (or any qwerty keyboard for that matter)
8. mga sali ng sali sa kung anu-anong 'become a fan' sa facebook. no offense meant sa kahit sino, pero minsan talaga yung iba ang pilit na e. sorry
9. gaya gaya puto maya
10. facebraggers. mga mahilig mag brag through facebook. minsan they do it through subtle yabang status messages. yung kunwari argabyado sila pero kitang kita mo naman ang dual purpose ng stat messages e para magyabang. tipong "aarrrggh have to wake up nanaman early tomorrow for my [out of town/the country] trip!!! :(" or yung mga ang ipinapahiwatig e something like napakasaya-ng-buhay-ko-kaya-mamatay-ka-sa-inggit type of messages. minsan din they do it through photos
11. yung mga tumatangkilik sa mga #10
12. mga nagpipicture na naka shades pero kitang kita naman na nasa loob ng bahay or any other establishment. ano yun, for show?
13. mga mahilig mag english pero wrong grammar (i know ang mean, sorry!)
14. mga user! mga taong maaalala ka lang pag may kelangan sila
15. nagiimbento/nagkukwento ng tungkol sa mga imaginary boyfriends, tagong yaman, pagka adventurous and the likes. TO SEE IS TO BELIEVE MY DEAR

ok. so far ito pa lang ang mga nasa top of mind ko. sorry kung may mga matatamaan [my invisible readers], pero ito ay generally speaking lang. i put these in ng walang specific tao in mind. :)

pizzzzzz awt!